Here's a poem I wrote in my last year in high school for an activity in Filipino class. It really has extreme "feels" and might let you think twice about getting into a relationship. Sorry guys, but I promise I was not bitter while I wrote this poem. Hahaha, here it goes
PAG-IBIG NGAYON
"Pag-ibig nalang palagi ang bukam-bibig ng kabataan ngayon
Ngunit ang kanilang kaalaman sa pag-ibig na yan ay hindi naaayon"
"Hindi naaayon sa edad, hindi naaayon sa pananaw, at pati na rin sa galaw ng isip
Ayon sa kanila, pag-ibig na raw yan pag ang mga mata mo'y na sa kanya't sumisilip-silip"
"Ngunit ang hindi nila nalalaman, pag-ibig ay isang mundong puno ng kasakiman
Marami kang pagdadaanan at may dapat kang panindigan"
"Kung talaga'y ikay nagmamahal ng labis-labis
Kailangan mo talagang mag tiis-tiis"
"Ngunit ang dapat siguruhin,
Ang pagtitiis ay hindi babasurahin"
"Kaya't pag nagmahal ng lubusan,
Pumili ng tao na hindi ka kayang iwanan"
"Isang taong marunong umintindi at hindi naghihintay ng kapalit
Ang kayang magparaya kahit gaano na kasakit"
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento