Here is a speech I had done for our Filipino class which I had also presented in class. My opinion on how teenagers in the new generation should act, if they would really want to take on the responsibility of creating a better future for the entire country.
Sa aking mga tagapakinig, isang
magandang hapon sa inyong lahat. Ako ay narito sa iyong harapan ngayong araw na
ito upang pagtuunan ng pansin ang kahalagahan ng kabataan sa ating lipunan.
Ayon sa martir na si Rizal, “Ating pangalagaan at turuan ng tama ang ating
kabataan, dahil sila ang susi sa ating kaunlaran”.
Totoo nga ba na tayong mga kabataa’y
susi sa kaunlaran? Na kung saan man tayo tumingin, nariyan ang mga temtasyon at
kahayupan? Mga kabataang nalulong sa droga, mga batang ina, mga taong hindi na
pumapasok sa eskwela, mga taong maagang nagasawa. Sila ba ang tinatawag nating
susi sa kaunlaran? Natatakot ako, na ito na ang maging katapusan ng ating
bayan. Na ang lahat ng kahirapan na dinaranas ng ating mga ninuno upang
ipaglaban ang ating kalayaan ay mapupunta lang sa wala!
Bilang isang kabataan sa makabagong
henerasyong ito, gagawin ko ang lahat sa abot ng aking makakaya para sa ating
Inang Bayan. Mahirap mang isipin, ngunit hindi ito ang dapat nating damhin.
Dapat nating hanapan ng solusyon ang mga ganitong suliranin! Inyong tanong?
Paano natin ito maisasakatuparan? Mga kabataan, walang problemang hindi
mahahanapan ng solusyon pag tayo ay magtutulungan. Laging tandaan na walang
mangyayari pag tayo lamang ay nagmumokmok at naguupo-upo lamang.
Sama-sama nating itama ang mga mali!
Mag-aral ng mabuti at maging propesyonal, iwasan ang mga bisyo at magkaroon ng
wastong pananaw sa buhay. Sa ganitong paraan, sama-sama nating patunayan na
hindi pa ito ang katapusan, ngunit ito lamang ang simula ng isang bayang hindi
lamang maunlad, ngunit makabago rin. Mga kabataan, sama-sama na rin nating
patunayan na mayroong hinaharap ang ating bayan. Mayroon itong kanlungan,
mayroon itong maaasahan at mayroon itong mapagkakatiwalaan. Hindi nag-iisa ang
Inang Bayan sa paglalakbay na ito. Paglalakbay patungo sa maliwanag na
hinaharap, ang hinaharap na naka kandado’t nangagailangan ng susi upang
mabuksan ang munting maunlad na hinaharap. Tayo nga ang susi, hali na’t simulan
na natin ang pagbabagong makabago!
Salamat, at magandang hapon uli sa
inyong lahat!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento